Latest News

Makaganda, Merck Grey tuluyan nang naghiwalay sa programa ni Raffy Tulfo, hatian sa kita napagkasunduan!

 Vlogger na si Merck Grey sa wakas lumabas na at sinagot ang mga alegasyon laban sa kanya ng kanyang ex-partner na si Makaganda o Caffey Namindang. 



Sa unang pagkakataon nagkausap muli ang dalawa sa pamamagitan ng programa ni Raffy Tulfo matapos ang kontrobersiya sa pagitan ng mga ito kung saan ibinunyag ni Makaganda ang tunay na nangyayari sa likod ng kamera.





Matapos pagusapan ng dalawa ang problema ay iminungkahi ni Raffy na paghatian na lamang ng dalawa ang kanilang naging kita sa pagba-vlog lalo na't wala nang plano ang dalawa na ayusin ang kanilang relasyon.






Payag nama si Merck sa 50-50 na hatian subalit ayon sa kanya ay naubos na ang karamihan sa kanilang nakaraang kinita dahil sa mga bayarin sa mga gastusin. Isa rin daw na malaking pinaggastusan nila ay ang pera na pagpunta sana nila sa Canada at alam naman umano nito ni Makaganda. 



Pinabulaanan din ni Merck an alesgasyong sinaktan niya si Makaganda o pinipilit na magpakita ng katawan sa kanilang mga video. Nagbibigay rin daw siya umano sa pamilya ni Makaganda.





Nagdesisyon si Makaganda na paghatian na lamang nila ang mga naipundar nilang sasakyan at negosyo. Nagkasundo ang dalawa na ibenta na lamang ang naturang sasakyan at ang kanilang negosyo at maghati sa magiging benta nito.



Dagdag pa ni Makaganda ay paghahatian na lamang nila ang kanilang darating na sahod nitong buwan mula sa kanilang vlog na maaaring umabot sa PHP 800,000. Payag naman si Merck sa gusto ni Makaganda at maging ang pagbura sa naturang video na kasama si Makaganda. 



Hindi naman pinagkaila ni Merck na mayroon pa itong pagmamahal ka Makaganda.



Gayun paman, buo na ang desisyon ni Makaganda na tuluyan nang hiwalayan ang vlogger. Sinayang daw umano nito ang kanyang pagmamahal.



No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.