Latest News

BARBIE IMPERIAL DARES AJ RAVAL: "KUNG HINDI KA KABIT, MAGSALITA KA!"

 Sa isang panayam ng King of Talk, Boy Abunda, kay Barbie Imperial, diretsahan nitong sinagot ang mga isyung nilabas kamakailan ni Xian Gaza tungkol sa boyfriend nitong si Diego Loyzaga.





Nilabas ni Xian Gaza ang isyung nililigawan umano ni Diego and co-star niyang si AJ Raval na nakatambal niya sa pelikulang 'Death of a Girlfriend' kahit na sila pa ni Barbie. Isang dahilan raw ito na kung bakit nagjombagan ang mag-jowa sa isang hotel, bagay na pinabulaanan naman nina Barbie at Diego.




Ayon kay Barbie sa panayam ng 'Push' sa kaniya, ang sugat sa kamay ng boyfriend ay dahil sa pagkakaaksidente nito sa gym.





Mula naman sa interview ni Toto Boy, hayagang tinawag ni Barbi ang atensyon ni AJ na magsalita sa isyung ipinupukol ni Xian.



"Yung about doon kay AJ Raval, if wala kang kinalaman, or alam mo namang hindi ka kabit ni Diego, magsalita ka!" ang matapang pahayag ni Barbie.




Ayon kay Barbie, ang pananahimik ni AJ ay parang gusto nito ang mga nangyayari.



"Parang for me, parang gusto mo na nangyayari ito lahat? na nagka-thing kayo ni Diego?"



Dagdag ni Barbie, ayon sa kaniyang nabalitaan, sina AJ at Xian Gaza ay magkaibigan.





"I have proof na... AJ and Xian Gaza are friends and maybe thay talk about, feeds him na mga info ng mga tsismis... so ako, parang sa akin 'Ohhh... gusto mo pala 'to, parang ganoon."



"Actually friend ko siya noon. Kaibigan ko siya noo. Ahm, tinanggap namin siya, sobrang binaby namin siya sa grupo namin, kasi nga, ano, ahm, girlfriend siya ng bestfriend ko na si Axel Torres, so tinanggap namin siya... so nagulat lang ako na ang daming nangyayari, na,,, okay, gusto mong maging kabit... eh hindi ka nga gusto ng boyfriend ko... so 'yun," pahayag ni Barbie

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.