3 bata sa Negros Occidental nilaslasan ng leeg ng kanilang kuya

 Patay ang tatlong menor de edad sa lalawigan ng Negros Occidental matapos laslasin ng kanilang mga leeg ng mismong kuya nila.

Sa ulat ng "News TV Live" nitong Linggo, sinabing ang mga biktima ay may edad na 1, 5, at 14 —pawang mga residente sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental.

Ayon sa ulat, naiwan ang mga bata sa bahay dahil nagpunta ang kanilang tatay sa bukid.

Nang makaalis ang ama, saka naman dumating galing sa bukid ang kanilang kuya na 21-anyos.

 Nagalit umano ito sa mga bata dahil hindi nakapaghanda ng kaniyang makakain. Kumuha umano ito ng kutsilyo at saka pinaglalaslas ang leeg ng mga kapatid.

Nakatakas umano ang 9-anyos na kapatid ng suspek.

Nagtangkang tumakas ang suspek, ngunit nahuli rin siya ng mga pulis.

Ayon sa mga awtoridad, may sakit sa pag-iisip ang suspek, na hanggang sa ngayon ay hindi umano makakausap ng matino. —LBG, GMA News

No comments