Look: Ogie Diaz shared his 5th daughter's journey being born premature

Ogie Diaz took to social media to share his 5th daughter's journey that was struggling to survive as it  born premature.



Kilala nyo ba ang batang ito na ipinanganak nung Feb. 9, 2017? Premature baby, 680 grams lang na nagtagal sa tiyan ng mama niya nang anim na buwan lang.

Isang dangkal lang ang laki. Apat na buwang nakatira sa ospital at ilan din yung nakakabit na aparato sa katawan niya na nagsilbing jumping rope niya sa loob ng incubator.

Pero ang bata mismo, kapansin-pansin sa araw-araw, hindi sumusuko. Lumalaban, kaya hindi rin sumuko ang mama’t daddy niya at ang mga doktor sa Delgado Hospital, kasama ang dasal ng mga nagmamahal sa kanya.

Ngayon, anlayo na rin ng narating ng mga pagsubok na dinaanan niya para lang makita niya ang ganda ng mundo kahit magulo.

Yung araw-araw na paglakas niya? Himala at ginto ang turing ng kanyang mama at daddy.

Kaya gusto kong ipakilala sa inyo ang 5th daughter at bunso kong nakipagpatintero sa buhay na tulad ng kanyang pangalan, yun din ang inasam naming lahat at salamat sa Diyos, ibinigay naman Niya— si Meerah Khel.

It was noticeable how his daughter didn't give up and struggle to fight along with his parents. Ogie consider his child as a miracle baby.

No comments