Latest News

Fishball vendor, pinagtapos si misis sa pagpupulis, misis nabuntis ng kapwa pulis

Isang kawawang fishball vendor ang lumapit kay Raffy Tulfo para ireklamo ang misis nyang PO1 na di-umanoy nangaliwa.


Ayon sa salaysay ni Richell Ipapo sa programa ni Raffy tulfo, syay nagtinda ng fishball para maigapang ang asawang si PO1 Diana Ipapo sa pagpupulis. Ayon kay Richell, nang mapagtapos na sa pagpupulis si misis, iniwan na daw siya sa ere at sumama sa kapwa pulis.

Ang masaklap, nag file ng annulment si misis laban sa kanya nang di nya alam. Pero ayon kay Richell may ibang lalake na daw ngayon ang kanyang asawa at may relasyon sa kapwa nya pulis at buntis di umano ng seven-months.

              Photo: Raffy Tulfo In Action

Ipinakita ni Richell ang mga photos kung saan makikitang sweet ang dalawa. Ang depensa ni Diana, kaibigan nya lang daw niya ang nasa larawan.

Pero binalaan ni Raffy si Diana sa ginawa sa asawa at maaring maharap sa kasong adminitratibo na pwedeng matanggal sa trabaho. 

Kahit sinabi ni Diana na hiwalay na sila ni Richell, hindi parin maikakailang kasal pa rin sila at di dapat makiapid sa iba.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.