Latest News

Batang anak ang tanging gumagabay sa kaniyang mga magulang na bulag sa pamamagitan ng lubid nagpaluha sa mga netizens

Umantig sa damdamin ng mga netizen ang post ni John Cuenca Alterado tungkol sa mag-asawang PWD at kanilang anak.


Base sa kuwento ni John, parehong bulag ang mag-asawa at tanging ang anak nila ang nagsisilbi nilang mata sa tuwing sila ay maglalakad sa kalsada ng Brgy. Milad sa Polanco, Zamboanga del Norte.




Kita sa mga larawan na mayroong lubid na nakatali sa bewang ng bata at ng kaniyang ama bilang gabay sa kanilang paglalakad at upang hindi raw malayo ang bata sa kanilang mag-asawa.


Sa ngayon ay mayroon nang 17,000 shares ang post ni John!

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.