Latest News

Batang kumakain ng kanin na walang ulam sa eskwela nagpaantig ng puso sa mga netizens

Kung kamakailan lang ay nagviral ang batang maroong simpleng baon sa eskwela, ngayon naman isang batang kumakain ng kanin kahit na walang ulam sa school ang nagpaantig ng puso ng mga netizens.


Sa isang Facebook page post, sinasabi dito na sana raw ay mag silbing aral sa mga kabataan ngayon ang larawan ng isang batang kahit kapos sa salapi ay nagagawa pa ring pumasok sa eskwela.


“Nakaaantig ng pus0 ang batang ito. Kumakain kahit walang ulam. Nagre-recess nang walang pera. Pero mas nakabibilib, wala siyang absent sa kanyang pagpasok sa school. Kaya sa mga kabataan diyan, sana’y magbigay-aral sa inyo ang larawang ito,” ayon sa Facebook page.

                        Photo credit: D30 viral video and news

Dahil sa nakakaantig na kwento nito, mabilis nagviral sa social media ang larawang ito. Mayroon nang higit  24,000 shares  at 20,000 reactions ang naturang larawan.

Marami ang nagpaabot ng mensahe ng paghanga sa bata. Ayon sa iba dapat mabigyan ng sapat na tulong ang batang ito. 

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.