Latest News

29-day-old baby sa Batangas pumanaw dahil sa COVID-19



Isang batang lalaking sanggol sa Batangas ang pumanaw dahil sa COVID-19. Siya ang pinakabatang pumanaw ayon sa Department of Health (DOH).




“The youngest fatality for COVID-19 is a 29-day-old from Batangas,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Dagdag pa anya, pumanaw ang bata dahil sa "severe respiratory infection" na epekto ng coronavirus. Kaagad namang dinala sa ospital ang bata nong maka ranas ito ng problema sa paghihinga.

Samantala naunang inulat sa Pangasinan naman, isang 7-year-old na batang babae ang pumanaw din kamakailan.



Sa kasalukuyan, nakatala ang Pilipinas ng 5,234 na kaso ng coronavirus, ang pinakamataas na kaso sa Southeast Asia namay 335 casualties at 295 recoveries.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.