Latest News

Brgy. Captian na tinaga ng kanyang inaanak sa Laguna, selos ang dahilan



Nagviral ang kumalat na video ng pananaga kay Larry Rosales, 57-anyos na brgy captain ng Brgy. Sta. Ana sa San Pablo City, Laguna.





Nangyari ang incidente kahapon ng umaga, April 14.

Nagkalat ang balita na ang naging dahilan umano ay ang hindi pagbigay Social Amelioration Card (SAC) at mayroon namang balita na di umanoy hindi pagbigay ng biktima ng quarantine pass. Samantala muling pinabulaanan ng anak ng biktima na ang lahat ng aligasyon ay mali.

Ayos sa social medya post ni Larissa Rosales na galit na nagpahayag ng kanyang damdamin: “Hindi namatay ang tatay ko dahil hindi nagbigay ng quarantine pass at hindi binigyan ng SAC, bakit kayo ganyan?

"Ano may ma-post lang kayong mga hayop kayo!"



Ayon sa imbestigasyon ng San Pablo City Police, lumalabas na selos ang dahilan kaya pinagtataga ni Hernandez si Rosales.

"Selos po ang dahilan, ayon sa imbestigasyon.



Kitang-kita naman sa mga kuha sa CCTV camera ang pagsalubong at pag-uusap ng dalawa sa harap ng brgy. hall, pagkuha ng suspek sa itak na nakasilid sa bag na dala nito at ang pauli-ulit na pananaga sa biktima.



Nagtangkang tumakas ang suspek na si Hernandez, pero nasukol ito ng San Pablo City SWAT Team. 

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.