Latest News

Man climbs utility pole in Mandaluyong city after co-workers tease him of having coronavirus



A construction worker climbed up to the top of utility pole in Mandaluyong City after co-workers allegedly mocked him of having coronavirus. 




According to a Facebook post of Jun Inabangan, the worker cross the river by swimming from Makati City to Mandaluyong City, and end up climbing to the utility post amid the distribution of relief in the area. Inabangan cleared that the man has no mental problem but simply experienced ridiculous paranoia and discrimination from colleagues.

Immediately, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos responded on the scene to negotiate, together with the help from BFP, PNP, MERALCO and some other rescue units they brought back the man safely into the ground. 








Here's the original post from Jun Inabangan:

Maraming ganap dito sa aming barangay. Habang nagbibigay ng relief goods sa aming lugar, binalita sa DZBB ang insidenteng ito kahapon.

May isang lalaki ang lumangoy sa ilog pasig mula sa Makati patawid ng Mandaluyong at umakyat ng poste ng kuryente. Hindi siya baliw, katunayan isa syang construction worker. Ano ang dahilan? Dahil kinantyawan siya ng mga katrabaho nya na meron syang COVID-19. Alam nyo naman siguro ang stigma ng mga tao kapag nalamang may COVID-19 ka.

Kaagad pumunta sina Mayora Menchie Abalos at dating Mayor Atty. Benjamin Jr Abalos upang makipagnegosasyon sa kanya. Matapos ang apat na oras na negosasyon, nakaligtas ang lalaki. Malaking tulong na agad silang rumesponde kasama ang BFP, PNP, MERALCO, medical team at ilang rescue team.



Nararapat lang na bigyan ng sapat na kaalaman at maging sensitibo ang mga tao patungkol sa COVID-19. Hindi dapat maging conclusive agad at judgmental. At kung meron man silang sakit, hindi dapat sila pandirihan at pagtabuyan dahil hindi naman din nila ginustong magkasakit. Si lolo Cresencio na kabarangay din namin, nang malamang positibo siya ay nagkaroon ng diskriminasyon sa kanyang pamilya. Ilang linggo din daw silang hindi lumabas ng bahay, ni hindi makabili ng pagkain. Mabuti na lang ay gumaling si lolo sa edad na 95 anyos – ang pinakamatandang COVID-19 survivor sa Pilipinas.

Alam din natin ang diskriminasyon sa ating frontliners. Naalala nyo ba yung ambulance driver na binaril habang kumakain sa isang kainan dahilan sa napagkamalan siyang may COVID-19? At yung isang nurse na pinalayas ng isang landowner dahil sa nagtatrabaho siya sa ospital at yung isa pang nurse na sinabuyan ng bleach sa mukha? Kung wala ang mga frontliners, sino pa ba ang tutulong sa mga maysakit o sa ating lahat?

Kung patuloy pa rin ang ganitong stigma, hindi matatapos ang problemang ito. Pagkakaisa at pagmamahal ang kailangan sa panahon ng pandemic. Tandaan natin, ang kalaban dito ay ang sakit, hindi ang kapwa-Pilipino.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.