Latest News

Mayor Rex Gatchalian, ipina-adobo ang mga nakumpiskang manok pansabong



Hindi naging happy ending ang pagtutupada ng mga nahuli sa ilegal na sabong kasi pati mga manok nila ay hindi nakalampas ky Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City.



Maraming manok ang nakumpiska noong Easter Sunday, April 12 ng Valenzuela Police sa Paxton, Karuhatan.

Agad naman dinala sa police station ang mga nahuli at ang panabong na manok ay ginawang masarap na ulam.


Survey naman ni Mayor Gatchalian sa mga followers niya: Anong mas gusto nyong luto, adobo o tinula?



Kaagad namang nagbigay ng update si Mayor kung ano na ang lutong nagagawa sa mga kinatay na panabong at sabay post ng larawan ng pinapalambot na manok.



Babala ni Mayor sa mga susuway at gusto parin magtupada, sisiguraduhin nya raw na sila ay mahuli at gagawing adobo ang mga alaga. Anya, kung mahal ang pangsabong, minumungkahi niya na itago na muna sa bakuran at wag tumulad sa mga nahuli. 


Sad to say, epic fail ang nangyari dahil nirekomenda ng mga staff ng Mayor na bawal ipakain sa tao ang mga pansabong na manok.

"Final chapter of the tupada story, our nutritionists, agri and vet people all decided not to certify the adobo.

"So abandon na... Ayaw ng mga nutritionist natin. It did not pass their standards," tweet pa ni Gatchalian.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.