Latest News

Crsipy Dahon ng Langka ang bagong recipe na alternatibong ulam ang patok sa social media



Sabi nga nila ang mga Pilipino daw ay kay sadyang malikhain sa buhay. Sa panahon ngayong ng krisis at marami ang nagugutom, isang resipe ang patok ngayon sa social media.


Habang marami pa ang hindi nakatanggap ng ayudang pinansiyal o relief packs, may ibang kababayan natin naman ang nagbahagi ng kakaibang recipe sa social media. Ang "Crispy Dahon ng Langka" umano ay isang alternatibong ulam sa gitna ng krisis ngayon. 

Ayon sa caption, “Lockdown Home Quarantine crisis ba kamo  at wala na pambili ng ulam? May puno ba kayo diyan ng langka? Iyan po pwedeng–pwede gawing ulam, hindi lamang prutas kundi pati dahon po. ‘Crispy Dahon ng Langka’.


Ayon sa post, bukod sa bunga ay masarap din umano ang dahon ng langka dahil mayaman ito sa calcium at mainam na anti-oxidant. Nagbigay din siya ng mga dapat sundin sa paggawa nito.

Ang kailangan niyo lang ay ang mga sumusunod:
1 Large egg
Cornstarch/Harina
Salt
Pepper
Dahon ng Langka (Dapat iyong light green lang at hugasan ng mabuti)
Oil (frying)

Manghang-mangha ang mga netizens sa kakaibang recipe na ito at marami naman ang nagbahagi ng kanilang sariling recipe.




No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.