Latest News

Lalaki mula sa Davao ang umiiyak dahil kinayod na niyog na lang ang pinapakain sa pamilya



Hindi maikakaila sa ngayong sitwasyon na marami ang nakakaranas ng gutom. Ito ang sinapit ng isang lalaki sa Toril, Davao City na kinayod na niyog na lang ang kinakain para  lamang maipsan ang kumakalam na sikmura.




Sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, makikita ang isang lalaki na kumakayod ng niyog para pagkain umano ng kanyang pamilya. 

“Napakabigat. Iyong iba kumakain ng masarap, natutulog sa magandang tulugan. Kami, masyadong napakahirap,” sambit ni Alfredo na kumakayod ng niyog habang umiiyak.

Aminado naman siya na mahirap talaga ang buhay nila maski hindi pa raw nagsimula ang enhanced community quarantine.

“Hirap talaga ng buhay. Kung minsan matagal pa iyong sahod, ano na lang iyong pambibili ko ng pagkain at pamasahe ko? Kung minsan, naglalakad na lang ako para makauwi sa bahay,” dagdag ni Alfredo.

Dahil sa nagviral na kwento ni Alfredo na unang lumabas sa Facebook post ni Sachiko Neri, marami ang naantig at naghatid ng tulong para sa kanyang pamilya.


Ang isa pang naging magandang balita para kay Alfredo, pagkatapos ng quarantine ay tutulungan di siya amuno ng Public Employment Service Office sa paghahanap ng trabaho.

Sa gusto pang magbigay ng tulong sa pamilya ni Alfredo, narito ang kanyang detalye.

Name: Alfredo L. Paz jr
Address: Purok 13 GTH Lower Lubogan Toril Davao City
Contact Number: 09100239842

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.