Latest News

Sekyu na nagbanta sa Presidente, sumuko

Nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation (NBI-7) ang isang security guard sa Brgy Pajo, lungsod ng Cebu na nagbanta kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Sumuko kaninang umaga sa NBI-7 si Dether Pajartin Japal matapos mag-viral ang kanyang post sa facebook.

Sa kanyang FB post, nag-upload ito ng kanyang picture na nag-dirty finger at nagbanta kay Pangulong Duterte na barilin dahil sa galit na nawalan siya ng trabaho.

Nagbigay pa ito ng P20K na reward sa sinumang makapapatay sa pangulo.




Tumawag ito sa NBI at nagpasunod sa bahay.

Inamin ni Japal na sa kanya ang picture na nakuha pa noong nakaraang taon subalit itinanggi na siya ang naglagay ng caption gamit ang kanyang facebook.

Inihayag ng gwardya na matagal na niyang inupload ang picture subalit nagulat nalang siya matapos makatanggap ng tawag na nagviral ang kanyang picture.

Ayon kay Japal wala itong caption nang inupload sa FB.


Aniya musuko siya sa NBI upang malinis ang kanyang pangalan.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon ng NBI sa nasabing facebook post . Samantala mahaharap ito sa kasong inciting to sedition in relation to Cybercrime Prevention Act. of 2012.

Isa si Japal sa mga netizens na naaresto dahil sa pagbabanta sa buhay ng Pangulo.

Kamakailan nahuli din ang isang guro na si Ronel Mas ng Zambales dahil sa isang tweet na nagsasabing “I will give [a] P50 million-reward to whoever will kill Duterte #NoToABSCBNShutDown.”


Source: DYRC Aksyon Radyo Cebu

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.