Latest News

Babaeng suspek sa pagkamatay ni Jang Lucero pinalaya!

Ang itinuturing suspek sa pagkamatay ng lady driver na si Jang Lucero sa Laguna pinalaya. Ayon sa ulat ng Unang Balita ng GMA News, pinalaya ang 20-anyos na dalaga na si Belarmino dahilsa kakulangan ng ebidensya. 



Nauna na nitong itinanggi na sangkot siya sa karumal-dumal na pagpaslang kay Lucero na tadtad ng 52 saksak at natgpuang walang buhay sa loob na kanyang kotse.

Sa ibang ulat ng 24 Oras tungkol sa panayam nito kat Belarmino, sinabi nitong nasa ibang lugar siya noong gabi na nangyari ang krimen at itinanggi nito na siya ang babaeng nakuhanan ng CCTV kasama ang dalawang iba pang lalaki na mga suspek din sa krimen.


Ayon naman sa Calamba police, maghahanap pa sila ng karagdagang ebidensiya laban kay Belarmino.


Samantala, patuloy parin ang follow-up operations ng pulisya para mahuli ang lima pang ibang sangkot sa karumaldumal na krimen.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.