Latest News

Babaerong mister nahuli ng buntis na misis sa ilalim ng kama ni kabit

 Hindi na nagawang itanggi ni mister nang mahuli sa akto ni misis na nagtatago sa ilalim ng kama ni kabit. 



Sa video na ibinahagi ni misis na si Josnel Cordova sa programa ni Raffy Tulfo, makikita ang pagpasok ni misis sa bahay at ini isa-isang hinanap si mister at kalaunan nahuli sa ilalim ng kama ni kabit. 


Si kabit ay kasamahan ni legit sa trabaho at ayon kay Cordova, idinaan niya muna sa mahinahon na paraan kanyang galit. Ipinatawag niya si kabit sa barangay para magkaroon ng kasunduan.


"May pinermahan siya doon sa barangay na katibayan na wala na po sila at titigilan niya na po ang asawa ko," ayon kay Cordova.



"Ilang minuto, iba na ung kutob ko, kaya sinundan namin siya, yun po doon namin naaktuhan silang dalawa," dagdag ni Cordova.


Depensa ni mister na si Generson, maging si Cordova daw ay may ginawang milagro na mariin namang itinanggi ni legit.


Hinikayat naman ni Tulfo ang dalawa na ipa-DNA test ang bata upang matapos na ang mga hinala at akusasyon ni mister.


Desidido naman si Cordova na sampahan ang mister at ang kabit nito!


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.