Latest News

Lalaking nawalan ng trabaho nag-alok na maglinis ng kanal para may maiuwi na pagkain sa pamilya

 Ang viral na larawang ito ang nagbigay inspirasyon sa maraming netizen dahil sa pagiging madiskarte ng isang amang nawalan ng trabaho sa panahon ng lockdown.



Ibinahagi ni Francis Jun sa kanyang social media account ang kwento ng isang lalaking nagtanong sa kanya na kung pwede niya ba raw linisin ang kanal sa harap ng kanilang tahanan para raw may maiuwi siyang pagkain sa kanyang pamilya. 


Wala daw siyang trabaho sa ngayon dahil sa MECQ.


"Ang aga may lumapit sa tindahan akala ko bibili nang tanungin ko kung ano po kailangan sabi nya pwede daw ba nya linisin ung kanal para daw may maiuwi sya sa pamilya nya mecq wala daw syang work," kwento ni Francis.


Ayaw niya sanang tanggapin ang alok ng lalaki dahil siya mismo ang naglilinis sa kanal sa tapat ng kanilang bahay. Pero naawa si Francis at pumayag itong linisin ang kanal.


Panawagan ni Francis sa kanyang post na kung pwedeng tulangan ang lalaki kung sakaling makarating man ito sa ibang pamilya.


"Kaya kung makaka abot sainyo si kuya at makiusap. Sana pagbigyan nyo na para makatulong nmn. Mahirap lang din ako. Asa lang din pero alam ko mas mahirap kalagayan ni kuya. Hindi cguro nya gagawin yan kung di langbtalaga kailangan......kayo na bahala sa kanya," dagdag ni Francis.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.