Latest News

Bagong litrato ng nagviral na palaboy sa Leyte ibinahagi sa social media

Dahil sa lockdown hindi pa pwedeng magkita sina Mr. palaboy at ang babaeng naniniwalang si Mr. palaboy ang kanyang asawang nawawala. Subalit sa mga larawang ipinakita sa Hapi Radio BYAG Facebook page, makikitang handang-handa na si Mr. palaboy sa kanilang muling pagkikita.





Si Mr. palaboy ay ang lalaking pinaniniwalaan ni Jennifer 'Nenen' Emnace na kanyang nawawalang asawa na si Nomer Emnace. Makikitang sa bagong larawan na malaki ang ipinagbago ng lalaki na binihisan, bagong gupit ng buhok at tila nakarecover na muli ang pangangatawan. 


Sa panayam ng Hapi Radyo kay Plt. Cyrus B. Paredes, hepe ng San Francisco Police, baboy at manok ang paboritong kainin ng lalaki na dinala sa kanya ni Lisa Corporal at iba pang nagbibigay sa kanya ng pagkain. Ayon sa hepe, nabibigyan din ng pagkataon na makapagvideo call sina Jennifer 'Nenen' Emnace at si Mr. palaboy.



Giit pa ng hepe na walang may makakuha ky Mr. palaboy kung walang may maipakitang dokumento na magpapatunay ng kaugnayan sa kanya. Ayon kay Paredes mayroon ng sumubok na kumuha sa lalaki noong September 2, ngunit hindi nila ito ibinigay dahil sa walang maipakitang dokumento.


PORMA NI MR. PALABOY INDI NA PALABOY (UPDATE: NOMER EMNACE) Kahapon sang aga ginpaliguan kag gin-utdan na sang buhok...

Posted by Hapi Radio DYAG 1125Khz on Thursday, September 3, 2020

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.