Latest News

Naglabas ng Saloobin ang Ama ni Lloyd Cafe Cadena sa pagpanaw nito

 Nagluluksa ang lahat sa pagpanaw ng isang sikat na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena na mas kilala na si "Kween LC" noong September 4. Bumugso ang pakikiramay nang lahat lalong-lalo na sa ina ni Lloyd. 




Ngunit, sa kauna-unahang pagkakataon ay naglabas din ng saloobin ang ama ni Lloyd. 


Ang ama ni Lloyd ay isang OFW sa United Arab Emirates dahilan kung bakit hindi niya nakasama ang kanyang anak. 


Sa sariling vlog post ng ama ni Lloyd na si Jun noong Sabado, ikinuwento niya ang na masamang balita at tinawag niya etong "saddest day in my life" ang pagpanaw ng anak. 



Ibinahagi ng ama na nasa trabaho siya nang tumawag ang anak niyang babae at sinabinh wala na si Lloyd. 


"I lost my son Lloyd Cadena. I was shocked", ayon sa ama ni Lloyd. 





Di umano matanggap ng ama ni Lloyd ang pagkawala niya. 


Ayun sa ama ni Lloyd, isang napaka bait na anak ni Lloyd.


Humingi rin nang tawad ang ama ni Lloyd dahil hindi raw sila nagkita. Ang hirap daw tanggapin na mawalan ng anak. 



Nang mabalitaan ang masamang balita ay tila nawalan ng lakas ang ama ni Lloyd. 


Inihabilin kasi ng ama ni Lloyd sa kanya ang mga kapatid neto ng malaman neto na nagpositibo siya sa COVID-19. 


Sinabi din ng ama ni Lloyd na sana huwag nang tanungin pa ang dahilan ng pagkamatay ng anak sa halip manuod na lamang sa balita. 


Sa huling bahagi ng kanyang vlog ay nag iwan ng mensahe si Jun para sa anak na namayapa na, "Lloyd  kung saan ka man ngayon, nawa'y masaya ka na. Nawa'y gabayan mo kami ng iyong mama, mga kapatid na makayanan namin ang pagsubok sa buhay. Nawa'y maka- move on kami".


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.