Latest News

LJ Reyes says breakup with Paolo Contis, 'difficult, painful'

 LJ Reyes was so emotional after revealing that she and long time partner Paolo Contis are already separated.





LJ: "Tito boy, it was so difficult, it was so painful. Siguro kung hindi malakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, kung hindi matibay ang pagmamahal ko sa mga anak ko, hindi ko alam kung saan ako pupulutin... Sa totoo lang, kung ano man 'yung third party na sinasabi nila, it was the least of my concern. Kaya po ako nag-decide mag-speak up is because 'pag anak niyo na po 'yung nagagawan ng mali, I think kailangan mong sabihin na 'hanggang dito lang.' Somehow, kailangan ko pong ilayo ang mga bata para maprotektahan po sila, na kailangan magkaro'n kami ng healthy at safe environment... I will not go into details kasi ayoko pong may masabing hindi maganda." 





Tito Boy: "Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual? Nag-usap ba kayo?"



LJ: "It's been so hard. The past several months, sinubukan ko pong 'wag maramdaman ng mga anak ko, 'wag maramdaman ng public. I never talked kasi gusto ko po na kung ano man ang pagdaanan namin ng pamilya ko, gusto ko sana na 'yung Panginoon lang 'yung kausap ko, kung sino man 'yung involved, and never make it public... The past 2 months, sobrang revelation after revelation, and sa gabi po ang nagpapatulog lang sa akin is praise and worship songs. Minsan po parang binabangungot na ako kasi hindi ko alam kung paano nangyari 'yung mga bagay na nangyari, na parang hindi ko na mahiwalay 'yung reality sa mga bagay na nalaman ko – information, revelation ng mga tao sa paligid ko, 'yung mga na-uncover ko..."



Tito Boy: "What are these revelations about Paolo?  Hindi mo nasagot ang tanong ko, was it mutual?"





LJ: "No, Tito Boy. Kasi naniniwala ako na kapag mutual pareho kayong sumasang-ayon na hindi na nagwo-work ang relationship." 



Tito Boy: "If it was not mutual, sino ang humiwalay? Ikaw o siya?"





LJ: "Tito Boy, matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin. Ramdam na ramdam ko po 'yun, pero honestly po, ako po 'yung nagsabi, na parang nasa ibang mundo na po siya. Parang pakiramdam ko, inaantay nalang niya na manggaling sa akin."



Tito Boy: "Paano mo naramdaman na nasa ibang mundo na siya?"



LJ: "Madalas po siyang wala sa bahay... Mejo nag-start po 'yun late last year..."



Watch the full interview here: https://youtu.be/DEcIYCbYMM4


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.