Latest News

Manny Pacquiao's speech writer accuse him of not paying his service

 "Di pa ko bayad ng 3 months as Senate speech writer mo and 3 months as MPBL commissioner," ito ang mga hinaing ni Snow Badua na isang beteranong sports journalist sa kaniyang social media post. 





Noong October 17 post ni Badua, ibinahagi niya sa kanyang Facebook ang isang balita mula sa GMA News tungkol sa pamamahagi ng pera ng Senador sa kaniyang pagbisita sa Batangas noong October 14.





Sa paglalahad ni Badua sa kanyang post, tatlong buwan daw siya umanong walang sahod bilang speech writer at MPBL commissioner ng Senador.



"Tapos nag abono pa ko sa mga meeting ng mga would be team owners sa mga restaurant na mamahalin gaya ng Mario’s, Via Mare, Annabel’s at iba pa," pahayag ni Badua.





"Kami rin nag abono sa bayad ng mga pobreng events team na nagblock ng schedule tapos apat na beses mo pinakansel opening ng MPBL noon.




"Ganun ka kagulo magmando sir. Walang sistema. Ayaw sumunod sa payo. Kung ano lang maisipan mo," paglalahad ni Badua.



Pagmamay-ari ng boxing-senator ang nasabing basketball league.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.