Latest News

MAGUAD SIBLINGS MURDER CASE: CHARGES FILED TO TWO SUSPECTS INCLUDING A SCHOOL GIRL

Pormal ng sinampahan ng kaso ngayong araw December 16, 2021 ng Mlang PNP  kasama ang special investigations task group SITG ang dalawang tinuturong suspek na may kagagawan sa brutal na pagpaslang sa magkapatid na Maguad nitong nakalipas na December 10 ng hapon.



Kabilang sa sinampahan ng kaso sa Kabacan prosecutors office ang school girl ng pamilya Maguad na unang napabalitang kaisa isang nakaligtas sa insidente.



Ayon pa sa PNP mismong si alyas Cristine na mismo ang umamin sa nagawang krimen kasama ang isa pang suspek na pinaghahanap ng batas sa ngayon.




Lumalabas na matinding galit, selos at inggit umano ng suspek kay Gwen ang nag tulak sa kanya kaya nagawa nitong patayin ang magkapatid.



Samantala mas lalo pang magpapatibay sa nagawang krimen ang mga na recover na ebidensya sa pag paslang sa magkapatid tulad ng martelyo at baseball bat na tanging ang mga biktima't  suspek lang ang nakakaalam.



Mismong ang tatay ng mga biktima ang nagsampa ng kaso laban sa mga suspek kasama ang tatlo pang mga testigo.



Maaalalang inabutan ni Ginoong Cruz Maguad ang kanyang dalawang anak na wala ng buhay habang nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo  mismong sa loob ng kanilang bahay sa purok San Isidro, Barangay Bagontapay Mlang Cotabato pasado alas 3 ng hapon nitong nakalipas na december 10, 2021.



Sa ngayon dahil minor de edad pa ang suspek nasa pangangalaga ito ng DSWD sa lalawigan habang patuloy na pinaghahanap ang kasama nitong gumawa ng karumal dumal na krimen.



Sa panayam ng “Sky Teleradyo M’lang” noong Disyembre 14, sa mga magulang ng mga biktima, sinabi ni Lovella, wala naman silang nakitang hindi kaaya-aya kay Janice noong una. 



“So far at first she’s nice and she’s very respectful actually. Kapag nakikita niyang dumadating ako, tinutulungan niya ako sa mga bitbit ko tapos nagble-bless siya. Kapag sa bahay naman okay siya, nagluluto siya pati na rin sa umaga,” kuwento ng ina ng mga biktima.



“And then lately lang, ang napansin ko sa kanya nung mga last two weeks siguro. Parang wala na siya natatrabaho dito sa bahay and nagcomplain ako sa kanila–bakit ang laundry ang taas at yung kwarto niyo sobrang dumi, sabi ko ano ba ginagawa niyo.’Yung mga ref hindi nalilinisan pati na rin yung cabinet,” aniya pa.



“So silang tatlo yung pinagsabihan ko, ikaw boyboy anong ginagawa mo pati ikaw ate, then sabi ko i-cut muna yung time mo dyan sa laptop mo kasi parang nauubos na yung time niya sa laptop. Sabi ko dapat maglaan ka ng time in the morning to do the housework…” paglalahad pa ni Lovella.



“Tapos napansin ko sa kanya [Janice], ang ginagawa niya nalang ay magluto. Pagkatapos niya magluto dumidiretso na agad sa kanyang kwarto. Sa gabi, tatanungin niya ako kung gagamitin ko ba ang laptop sabi ko hindi naman. Ganoon na yung nangyayari every night. Nag-iba siya,” ayon sa ina.



Noong Disyembre 3 at 4, sinama ni Lovella ang kanyang pamilya maging si Janice patungong General Santos kasama nila ang mga kapwa guro nito.



Dumating sa punto na mayroong picture taking na kung saan umamin si Lovella na ayaw niyang pasamahin si Janice sa naturang picture. 



“And then noong picture taking, during that time I didn’t want na magjoin siya sa amin,” pahayag ni Lovella na naramdaman niyang na “feel bad” si Janice. 



“Sabi ko, Nice kami na munang apat tapos later ka na magselfie ka lang muna. Sa dami naming pictures, dalawa lang yung wala siya. Which is siguro naiba yung feeling niya,”



Dumating din ang punto na hindi niya gustong sumama si Janice. 



“Nahurt siguro siya. Inapply na niya siguro na she is already part of the family,” aniya pa.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.