After watching the 'Maid In Malacañang' and 'Katips', veteran GMA's screenwriter Suzette Doctolero shared her weighed in on the two controversial movies that left social media debate.
"Katatapos ko lang mapanood ng buo ang Maid in Malacañang...waiting now para sa Katips viewing," said Doctolero.
Doctolero, a known 'teleserye' writer in the Philippine showbiz such as "Amaya" and "Indio", said that Maid In Malacañang has clearly no "historical revisionism" as described by many.
"Malinaw sa filmaker kung sino ang audience niya at kung paano magkukuwento kung kaya't nasakyan ng audience ang pain ng isang pamilyang dati ay matayog at hari, at bumagsak. Pinaiyak, pinatawa,kinurot ang puso ng audience. Wala kasing pretension ang pelikula. Malinaw na ito ay kuwento sa Point of View ng mga Marcos p pro-Marcos.
"Bilang manunulat, nakita ko ang yaman ng konsepto’t kwento. Although Hindi ito ang unang movie na tumalakay ng ganitong paksa, (nandiyan ang Evita Peron, ang Tsar (kwento ng mga Romanovs ng Russia) at ibp, pero matapang pa rin ang filmmaker na ginawa niya ito, kahit na alam niyang may mga pupuna. Deserve nito ang sucess sa takilya na tinamasa.
"Kontrobersyal at subject sa Interpretsyon ang huling eksena, na ipinakita si Cory, lalo na ang binitiwan nyang salita sa dulo (bilang analogy sa pulitika, kapangyarihan, gamit ang sugal na madjong), pero ito ay totoo. At ang gandang statement sa pulitika ng bansa (maski sino pa ang lider).
"May mga scenes lang na ikinuwento kaysa ipinakita pero naiintindihan kong mahal ang eksena (halimbawa, pagpapasabog sa isang parte sa Malacanang o pagpapakita ng pagsugod ng mga rebel forces para mas ramdam ko ang takot ng pamilya at mga maids) pero sa pangkalahatan ay okey naman ang pelikula. Walang historical distortion, wala ring paninira sa mga madre. Panoorin para makita."
0 Comments