These was the words of an MA student in the University of the Philippines against supporters of President Rodrigo Duterte against Police operations on illegal drugs.
Here's Kevin Mandrilla, speaks about Police operations on his Facebook page:
"Unahan ko na — sa lahat ng magrereklamo sa mga lalaban para sa
hustisya, para sa mga batang pinatay sa ilalim ng administrasyon na ito,
gusto ko lang sabihin na ang kapal ng mukha niyo. No, seriously, ang
kapal niyo.
Oo, kasama diyan ang mga kaibigan o kapamilya ko na
mga Ka-DDS. Lalo na 'yung walang ibang masabi kundi "paano 'yung mga
na-rape?" — kumita na 'yan. Nagmumukha lang kayong ewan.
Sino bang naiisip niyo na natutulungan ng mga ganyang klaseng statements? 'Yung na-rape
ba? O ang mga abusadong pulis? Kung hindi pa malinaw sa inyo kung ano
talaga ang ginagawa niyo, let me do the honor: kayo ang tunay na
protektor ng mga kriminal.
Hindi nakapagtataka kung maraming magalit sa mga pulis at sa pattern ng
pagpatay. Ang mas nakapagtataka bakit pinipili niyong magbulag-bulagan
eh harap-harapan na tayong niloloko ng mga pulis.
Hindi porke't
naka-uniporme ay hindi na pwedeng maging salot sa lipunan. Sana lang
'yung galit niyo sa mga rapist, eh kasing taas din ng galit niyo sa mga
taong kayang pumatay ng bata, saksakin ito ng 30 beses, at itapon sa
creek. At sana galit din sa mismong pasimuno. 'Di niyo ba natatanong
kung paano nangyari ito? Hindi niyo ba ma-connect ang mga bagay-bagay?
Sabi nga kung ahas lang ang "pattern" ng pagpatay sa administrasyon na
'to, eh tinuklaw na kayo. Kahit anong iyak ni Persida Acosta o ni Bato,
hindi nila mabubura 'yan. Davao days pa lang ni mayor ganyan na ang
sistema.
Marami nang buhay ang nawala. Ang paghingi ng hustisya
para sa biktima ng war on drugs ay hindi nangangahulugan na wala na
tayong pakialam sa biktima ng mga ordinaryong krimen. Ang pagtawag na
itigil ang patayan ay hindi parehas sa pagsuporta sa drugs. Magkaibang
bagay 'yang mga 'yan — pero isa ang nais natin: maayos na lipunan na may
tunay na rule of law.
Mga tao at Pilipino tayo pare-pareho. Sana
'wag mawala ang pagiging tao at Pilipino niyo dahil lang mahal niyo ang
presidente. Napakababaw. It's not worth it. Not now. Not ever. Uulitin
ko, gumising na kayo."
0 Comments