Latest News

Apat na membro ng pamilya ang pumanaw sa loob lamang ng isang linggo dahil sa COVID-19

Isang matinding pagsubok ang pinagdaanan ng pamilya Elizabeth Fusco sa New Jersey, USA, kung saan apat na membro ng pamilya ang pumanaw sa loob lamang ng isang lingo at ilang kamag-anak pa ang nasa ospital dahil sa COVID-19. 



Grace Fusco, 73, inang may 11 na anak at lola ng 27 na apo ang namatay dahil naging positibo sa coronavirus (COVID-19).

Ayon sa ulat nina Faith Karimi, Evan Simko-Bednarski at Melanie Schuman ng CNN, Marso 10 nang tawagan siya ng doktor ng ospital kung saan naka-isolate ang kanyang ina. Naririnig pa niya kung paano mag-agaw buhay ang kanyang ina habang kausap nito ang doktor sa telepono.



Namatay ang kanyang ina nong Myerkules ng gabi, ilang oras ang pagitan ng mamatay ang kanyang kapatid na lalaki at pagkatapos ng limang araw sumunod naman na pumanaw ang kanyang kapatid na babae. Nong Huwebes naman namatay ang isa pa niyang kapatid.

Tatlong membro ng pamilya ang sa ngayon nananatili sa ospital at dalawa sa kanila ang kritikal ayon kay Roseann Paradiso Fodera, ang kamag-anak ng pamilya.

Ayon sa ulat ng New Yorl Times, 20 membro ang kamag-anak ang nag kwarantin habang naghihintay ng resulta ng pagsusuri sa coronavirus.



No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.