Hot Posts

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Binawian ng buhay ang bagong panganak na ina dahil tinanggihan di umano ng anim na ospital



Ayon sa mister na si Jan Christian Bulatao, nanganak ang kanyang misis bandang alas-tres ng hapon ng Abril 24 sa kanilang tahanan sa Caloocan sa tulong ng isang kumadrona.

    Photo: Instagram

Subalit nong nahirapan ang maghihilot dahil hindi lumabas ang placenta o ang inunan ng sanggol, pinayuhan na si Jan na isugod na si Katherine sa pinakamalapit na ospital.

Agad namang dinala nila ang asawang si Katherine sa pinakamalapit na ospital subalit bigo silang naipasok sa ospital ang biktima dahil sa di umanong pagtanggi sa kanila ng anim na ospital.

Ang ibang mga rason ng hospital daw ay wala silang dugo, walang bakanteng kwarto at ayon sa kanya may isang ospital na humingi muna daw ng deposito at halos lagi nalang silang pinapayuhan na maghanap ng iba pang ospital.



Subalit nang nakahanap na sana sila ng ospital na titingin sa ginang, binawian naman na ito ng buhay.

Talagang nanlumo ang pamilya at asawa nito dahil sa panghihinayang sa oras na itinagal umano sa paghahanap ng ospital.

Katarungan ang sigaw ng pamilya sa ngayon, dahil ayon sa kanila, nadugtungan sana ang buhay ni Katherine kung hindi daw sila tinanggihan ng mga ospital.

Post a Comment

0 Comments

Comments

Ad Code