Latest News

Matandang magsasaka bumili ng pagkain para ipamimigay sa mga kapitbahay dahil nakatanggap ng ayuda sa gobyerno



Dahil sa krisis na hinaharap ng marami sa ngayon masasabi nating ang lahat ay gumagawa ng sariling paraan para mabuhay, pero iba itong walang-wala sa buhay na isang mag-sasaka sa Bayawan City, Negros Occidental.

    Source: Baya Elusfa Cherry / Facebook


Ayon sa Facebook post ni Cherry Elusfa Baya, ang may ari ng sari-sari store, namangha siya sa sagot ng matanda sa kanya ng kanyang tanungin kung bakit marami ang binili nito sa kanyang tindihan.



Pagdating ni Tatay Juanito sa kanyang tindihan bumili daw ito ng maraming tinapay at softdrinks, dahil sa gusto nitong malaman kung bakit marami ang binili ng matanda, sa kanyang pagtatanong doon niya nalaman ang kagandahang loob nito.


       Source: Baya Elusfa Cherry / Facebook

Ang sabi ni Tatay  Juanito sa kanya na nakakuha daw siya ng cash aid kaya dumaan siya muna sa kanilang tindahan para makabili ng pagkain na ibibigay niya sa kaniyang mga kapitbahay.


Si Tatay Juanito ay nakatira sa bulubunduking lugar sa kanilang bayan na mag-isa dahil pumanaw narin ang asawa nito at wala silang anak. Siya'y naglalakad pa ng ilang kilometro para makarating lang sa kaniyang bahay. Talagang naantig si Cherry sa mga sinabi ng matanda. 

      Sa wakas natuntun nila ang lugar at bahay ni tatay Juanito.  
“KINING KWARTA NGA AKONG GI KOPTAN KARUN DAI DI NI MAO ANG TINOOD NGA BAHANDI😟,mo agi Rani “ANG MAAYUNG KA BOBOT ON SA atong isig ka TAWO ANG TINOOD NGA BAHANDI,” sambit ng matanda.

(Ang perang natanggap ngayon hindi ito ang tunay na yaman. Mawawala ito agad. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ang tunay na yaman.)

     Source: Baya Elusfa Cherry / Facebook

Dahil sa nag-viral ang post ni Cherry, marami namang mga tao ang naantig at nagpaabot ng tulong para sa matanda na nagbigay ng groceries.



Ang post ni Cherry ay nag-viral at mayroon na itong humigit 38K shares. Salamat kay Tatay Juanito na nagbigay inspirasyon sa paggawa ng mabuti para sa kapawa sa gitna ng problema na kinakaharap ng mundo sa ngayon.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.