Latest News

Sen. Bong Revilla nasaktan sa naging pahayag ni Yorme Isko Moreno

Si Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. ang kauna-unahang senador na inalmahan ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso





Kamakailan nag-viral ang pahayag ni Yorme sa isang Facebook Live na pinatamaan ang ilang senador na ayon sa kanya ay mga "missing in action" sa gitna ng matinding krisis at hinamon niya ang mga ito na i-donate ang mga sweldo sa tao.

Sa pahayag ng 45-year-old Manila Mayor, parang inatupag lamang ng ibang senador ang magpuna at salungatin ang pamahalaan dahil sa mas priority ng mga ito ang kanilang politikal agenda.

Ayon kay Sen. Bong, masakit para sa kanya ang pagtira ni Yorme sa kanila, lalo nat' tinuring niya itong kapatid nong sila ay nasa showbiz pa.




"Alam mo rin naman lahat kami nagtatrabaho, hindi kami nagpapabaya, may mga nasasakupan din kami, may Bacoor, Cavite, hindi lang yan pati buong Pilipinas. Kung kaya lang talaga lahat tutulungan gagawin namin," sabi ng Senador.

"Mayor Isko wag naman, wag ganun, tulungan tayo, hindi ito ang panahon ng pagbatikos, wag mo kaming personalin." 

"Sa oras na ito ay kailangan matugunan natin ang pangangailangan ng ating mga kababayan, hindi tayo dapat magupakan,"dagdag ng senador.




Panoorin ang buong video:

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.