Latest News

Isko Moreno, hinamon ang mga senador na i-donate ang mga sweldo sa tao

Manila Mayor Isko Moreno nagsalita sa kanyang Facebook Live kagabi, April 12 at sinabi niya na isantabi muna ang politika sa gitna ng COVID-19 pandemic. Halos maiyak ang mayor habang binabanatan ang ibang mga senador na di umano ay "nananamantala" at "walang pakialam" sa nangyayari sa bansa.



Ka kanyang limang-minutong video, inilahad ng mayor ang update sa Implementation of CODE COVID-19 at ang bagong city ordinance on Anti COVID-19 Discrimination. Matapos nito, naging emosyonal ang alkalde sa mga nakapwesto sa national government na ayon sa kanya mga "missing in action" sa gitna ng matinding krisis at hinamon niya ang mga ito na i-donate ang mga sweldo sa tao.

"Mga senador, 24 lang kayo," emosyonal na panawagan ng alkade ng Maynila. "Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa Pilipino. Kaming mga taga-Maynila Pilipino rin. Ngayon n'yo ipakita. Asan kayo ngayon? Asan? Hinahanap namin kayo, kasama na ako sampu ng aking mga kababayan sa lungsod."  





Sa pahayag ng 45-year-old Manila Mayor, parang inatupag lamang ng ibang senador ang magpuna at salungatin ang pamahalaan dahil sa mas priority ng mga ito ang kanilang politikal agenda.

"Puro na lang tayo kontra rito, kontra roon dahil sa mga isinusulong n'yong political interest," pahayag ni Isko. "Wala ba kayong puso? Maswerte kayo, mga pinagpala kayo. Maswerte tayo nakaluwag tayo sa buhay."




"Paano 'yong naghihikahos bago pa mangyari ang krisis na 'to at lalong naghihikahos sa kasalukuyang krisis na ito?" tanong ng mayor sa mga elected government officials.

"Hindi tayo magkakaunawaan sa salitaan. Hindi tayo magkakaunawaan sa mga political ideologies dahil magkakalaban tayo sa politika. Pero kaya tayo naglalaban-laban sa politika upang mamuno sa kanya-kanya nating nasasakupan. 




"Ngayon n'yo ipakita ang pamumuno n'yo at pagmamahal sa kapwa," pahayag ng punong lungsod na halos maiyak na. "Araw-araw na lang. Araw-araw na lang. Huwag na kayong maghanap ng butas. Hindi bawat salita ng kasalukuyang lider ay binibigyan natin ng halaga o ibang kahulugan."

Kinalaunan hinamon din n'ya ang mga ito na i-donate ang mga sweldo para dagdag tulong sa mga tao.

"Hinihikayat ko kayo, tutal magagaling kayo, i-donate n'yo lahat ng sweldo ninyo. Lahat ng kakayanan ninyo. Ngayon n'yo ipakita, sa tulong, sa tao."



"Pwede ba ako makisuyo bilang ama ng lungsod ng Maynila na kapitolyo ng bansa? Pwede ba kayong makinig muna? Alam ko wala ako sa poder na pagsabihan kayo. Pero ngayon hindi lang ako nagsasalita bilang alkalde ng lungsod, but bilang isang mamamayan din, na marami na ang nagugutom."

Dagdag pa ni niya: "Huwag na natin sisihin kung sino ang mali. Wala pong tama sa sitwasyon na ito. Wala pong tama. Sa mga salita ninyo nagbabago ang ugali ng tao."

Panoorin ang buong video:







No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.