Latest News

Ang lutong ng 'Mura' ni Mystica kay Pokwang sa pagbibigay ng relief goods!

Muling bumanat sa social media ang former sexy star na si Mystica at ang aktress/comedian na si Pokwang ang pinagbuntungan ng galit nito hinggil sa pamamahagi ng relief goods.



Hindi makakaila na si Pokwang ay naging aktibo sa pamamahagi ng kanyang sariling pamaraan ng pagtulong sa mga taong apektado ng community quarantine.


Pero tila hindi nagustuhan ni Mystica ang paraan ng pamamahagi ni Pokwang ng kanyang mga relief goods. Sa video na ibinahagi ng Loverph TV, makikita si Mystica na nanggagalaitin na ayon sa kanya mas inuna pa umano ni Pokawang ang pagtulong sa mga taong may mga trabaho.


"Si Pokwang, namigay na rin lang siya ng pagkain, namigay na rin lang siya ng tulong, hindi pa niya tinulungan yung mga taong hirap na hirap na dun na walang makain. Mas binigyan niya ng tulong, ng pagkain, etong yung dun naka-assign at may trabaho. Ano yun?" 

"Kung ikaw din lang tutulong ka, dun ka na sa mga taong walang makain." 

"Hindi yung dun sa mga taong may makain, at may sweldo, at may trabaho." 





No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.