Latest News

Arnell Ignacio files charges against Mystica: "Hindi mo pwedeng mura-murahin si Presidente nang ganun ganun lang"



Dumulog sa tanggapan ng Imus City, Cavite prosecutor's office si TV host-actor Arnell Ignacio para magsampa ng reklamo sa singer-comedienne na si Mystica, dahil pambabastos at paglalait umano sa kay Pangulong Duterte.



"Kapag seryoso ang issue e file na ko ng case. Hindi talakan lang sa fb. Hindi mo puede muramurahin si presidente nang ganun ganun lang at aatungal ka pagkatapos ..mas malala nagyaya ka pa na pabagsakin ang gobyerno imbis na tumulong ka na lang. Yung pagmumura mo naman e parang PERSONAL ang kasalanan sa iyo e. Kahit man lang sana sa edad nung tao e binigay mo na kahit katiting na pag galang," ayon sa pahayag sa DA Arnell Owwa Facebook post.



Tatlong kaso ang sinampa ng veteran comedian kay Mystica, ang inciting to desition, cyberlibel at violation ng Bayanihan To Heal As One Act. 

Ayon kay Arnell sa ulat ng Bandera, ibinase niya lang di umano ang mga kaso laban kay Mystica sa mga video na ipinost nito sa social media kung saan binabatikos nito at minumuta ang Pangulo.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.