Latest News

Coco Martin nangakong bibigyan ng TV at may bunos pang motorsiklo ang dalawang die hard fans



Naging ma-init at naging labanan sa social media ng magkahating saloobin ng mga tao hinggil sa pagsasara ng ABS-CBN. Maraming artista ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa desisyon ng National Telecommunications Commissions (NTC) at isa na dito ay ang akto na si Coco Martin.




Noong isang araw, maaanghang na banat ang pinakawalan ng Kapamilya star laban sa lahat ng may kinalaman sa pagpapatigil ng pag-eri ng ABS-CBN programs. May ibang tagahanga naman ng aktor ang nagpahayag ng kanilang suporta.

Sa Instagram post ng aktor, pinasalamatan niya ang mga tagahangang nagpahayag ng kanilang suporta. Isa dito ang post na nagpapakita ng dalawang tagahangang lalaki na nagbasag ng kani-kanilang TV sets dahil wala na daw itong silbi ngayon sa pagkawala ng mga programa ng ABS-CBN.


"MARAMING SALAMAT TOL SA IYONG SUPORTA!!!" pahayag ng  aktor sa kanyang post. 

Nangako ang aktor na papalitan niya ang mga TV sets ng dalawang lalaki na nasa video at may bunos pang motorsiklo sakaling makabalik on air ang ABS-CBN.

"PAG BALIK NAMIN [on-air] PAPALITAN KO YANG TV MO NG MASMALAKI PANGAKO KO SAYO YAN!!! PATI MOTOR BIBIGYAN KITA PAGBALIK NA PAGBALIK NAMIN!!! 

"MARAMING MARAMING SALAMAT SA LAHAT NG TAONG SUMOSUPORTA AT NAKIKIRAMAY SA AMIN HINDI HINDI NAMIN KAYO MAKAKALIMUTAN!!!" dagdag pa ng aktor.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.