Isang karumaldumal na krimen ang nangyari sa Pangarap Village, Caloocan City. Ang biktima isang 14-anyos na dalagita, nagtamo ng saksak sa leeg, nakagapos ang kamay, at wala nang saplot pang-ibaba ng matagpuan sa kanilang bahay.
Sa ulat ni Mai Bermudez ng "Saksi," kinilala ang biktima na si Garlene Teria, ayon sa ina nadatnan niya umano ang kanyang anak na nakadapa sa kanyang higaan mga bandang 6:00p.m. ng siya'y umuwi galing sa trabaho.
Ang suspek sa krimen ay ang kanilang kapitbahay na si Diomedes Liamez na patuloy pang pinaghahanap.
0 Comments