Latest News

John Regala nakausap ang unang asawa sa programa Raffy Tulfo

Ang madamdaming pag-uusap ng aktor na si John Regala at ang unang asawa nito na nakabase sa Amerika sa pamamagitan ng programa Raffy Tulfo ang nagpaluha sa maraming netizens. 


Si Aurina Alvarez Manansala o kilala sa tawag na "Au-au" ay nagpaunlak sa imbetasyon ng programa para mapanayam ito ni Raffy Tulfo.


Agad namang nilinaw ni Raffy na hindi ito ang babae na tinutukoy ng aktor na nang-iwan sa kanya sa panahong wala na siyang pera at nagkaroon ng karamdaman. Sa kabila ng lahat hindi niya pinabayaan si John at patuloy ang pagpapadala ng suportang pera lalo na sa panahong ito'y naghihikahos.

Sampong taon ang tanda nito sa aktor noong ito ay ikasal at siya'y 16 lamang. Hindi binanggit ni Aurina ang dahilan ng kanilang hiwalayan pagkatapos ng anim na taong pagsasama.

Naging maayos pa rin ang kanilang pakikitungo sa isat-isa pagkatapos ng kanilang hiwalayan kung saan hinihiram pa umano ni John ang kanilang anak na si John Kiefer minsan sa isang linggo bago ito pumunta ng Amerika.

Sa ngayon si Au ay kumuha ng mag-aalaga kay John upang masiguro na may nagbabantay sa kanya habang nagpapagaling ito sa sakit.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.