Latest News

Mister sumabit sa kotse ng customer ni misis habang tumatakbo huli sa camera

Nahuli cam ang isang mala pilikulang pangyayari sa pagitan ni mister at misis na kasama sa kotse na ayon sa kanya kostumer lamang. Ayon sa reklamo ni Mark Nicolas sa programang Idol in Action, papasok na raw siya sa trabaho ng makita ang misis na si Riza Mae na nakasakay sa kotse ng sinasabi nitong customer.


Saad ni pa Mark na mayroon siyang ibedensya na magpapatunay na may karelasyon si misis dahil sa mga pinopost umano nito sa social medya. 

Makikita sa video na talagang hindi bumitaw si mister na nakasabit sa hood ng sasakyan.

Depensa naman ni misis na si Rizza Mae, ineeskandalo umano sila ni Mark noong mangyari ang insidente. Customer lang daw niya iyon ang lalaking kasama at hiwalay na rin naman daw sila ni Mark.


Dagdag pa niya na alam din naman umano ni Mark ang klase ng trabaho na pinapasukan nito, dahil sa hirap ng buhay at hindi naman umano maibigay ni Mark ang sustento na dapat para sa kanila.

Mariin namang itinanggi ni Mark ang lahat ng paratang ni Riza Mae laban sa kanya at sinasabing masyado lamang daw maluho ito.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.