Latest News

Cristy Fermin, naawa kay Jessica Soho sa hindi pag-amin ni Kylie Padilla sa interview

 Cristy Fermin, hindi pa rin nagpaawat sa pagbibigay ng komentaryo hinggil sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.




Kamakailan, ibinunyag ni Cristy na mapapatunayan umano ng kaniyang 'source' na may katawagan talagang ibang lalaki ang aktres, na magpapatibay sa mga akusasyon ni Aljur umano na unang nagtaksil. 



Oktubre 24, nang binasag ni Kylie ang kaniyang katahimikan at pinaunlakan ang interview kay Jessica Soho, sa show nitong 'Kapuso Mo Jessica Soho' o KMJS.




Ayon kay Cristy, ang panayam ay naging hindi umano 'seryoso'.



"Nagsalita lang siya... puro patagilid - 'I want to grow up,' mga gano'n-gano'n. Hindi po siya seryoso sa kanyang pakikipag-usap kay Jessica Soho. Sabi nga ni Jessica, 'Sa lahat naman ng mga babaeng nasaktan, parang ikaw lang yata yung hindi naman masyadong problemado at hindi malungkot."




"Sabi siya nang sabi na, 'Yaeh, I'm happy, I'm good. Yeah, my kids are happy, they're okay,' pero kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya,"



"Pwede pong magsinungaling ang ating bibig, ang ating kilos, pero kapag tiningnan po natin ang mata ng isang nagsasalita, 'yon po ang naglalantad ng tunay niyang damdamin."kitang-kita na napakalungkot ng mga mata ni Kylie, 'di ba?" Kitang-kita mo."



Ayon kay Cristy, ang "actual na interview, doon natin nakita na sayang! Na dapat nasagot niya nang punto por punto yung mga hamon sa kaniya ni Aljur Abrenica. Yung mga inaasahan ng ating mga kababayan, wala."



Sa huli sinabi niyang, "naawa ako kay Jessica Soho...Ang galing-galing niyang host pero hindi niya napasuka si Kylie."

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.