Latest News

Joshua Paolo Jenson, the man who filed civil case against actor Richard Yap wants to be recognized as his son

 Joshua Paolo Jenson, 24, from Bacoor, Cavite, has filed a civil case against Cebu City North District congressional candidate and actor, Richard Yap. Jenson on his Facebook post detailed his side as many of the netizens started to hunt for the whole story.




"Eto na po ang official statement ko dahil parang Hindi po ako naintindihan ng una kung bakit ako nag file ng kaso Laban kay Richard Yap. Hindi naman po ako nag pa media nagkataon lang na may media sa Hall of Justice," he begin.





ANONG KASO ANG SINAMPA MO KAY RICHARD YAP? 

 Answer: Acknowledgment of paternity and affiliation.



BAKIT NGAYON MO LANG HINANAP ANG TATAY MO?

Answer:  4 years old pa ako pinuntahan namin siya sa office nya sa CWC sa makati pero ni minsan Hindi kami hinarap kasama ang mommy at lola ko. Nung teenager ako, pumunta kami sa Abs Cbn, nag pa tulong kami ni Tita Tang of Abs Cbn pero Hindi pa rin ako hinarap.  Nag message po ako sa FB at Instagram nya, pero naka BLOCK na ako after ko mag message sa kanya.


BAKIT NGAYON KA LANG NAG FILE

Answer: Nung 18 po ako gusto ko na mag sampa ng kaso pero Hindi ko Alam kung paano. Wala po akong capacidad dahil mahirap lang po kami. At Hindi ko rin Alam kung saang lugar ako mag rereklamo dahil hindi ko alam ang address niya. 


So Nung 2019, nalaman ko na tumakbo siya sa Cebu. Nag pa tulong ako sa sa isang congressman para maka punta ng Cebu. Pinakausap nya sakin yung lawyer kaya lang di ako pwede na mag file sa cebu dahil hindi ako taga Cebu. 


So nag decide ako na tumira sa Cebu at mag hintay ng isang taon para makapag file ako ng kaso. Nakitira lang ako kung kani-kanino at nakikikain lang. 





Nung 2020 mag file na sana ako pero nagkaroon ng COVID. so ngayon na maluwag na ang Cebu sa pandemic at may nag offer sa akin na mga lawyers para tulungan ako kaya nag file na ako ngayon. Nagka taon lang na tumakbo si Richard Yap ulit pero malayo pa naman ang election diba so hindi ko talaga intention na sirain siya.


SABI NI RICHARD YAP HINDI KA NYA ANAK SA INTERVIEW

Answer: Ang sakit naman po. Alam nya na anak nya ako. Sinamahan pa nya mommy ko ilang beses sa ultrasounds. Alam nya ang bahay namin. Humarap cya sa pamilya ko, sa lola ko. Hindi po ako sinungaling. Kaya nag sampa ako ng kaso para ma DNA test kaming dalawa. 



SABI NI RICHARD YAP POLITICALLY MOTIVATED  DAW ANG PAG FILE NG KASO MO?

Answer: Hindi po yan totoo. Isa pa, wala na po ang congressman na tumulong sa akin noong election 2019 para lang maka punta ako ng Cebu. Sariling decision ko po lahat.



MAY KINALAMAN DAW C KONSEHAL MABATID SA KASO NA ITO?

Answer: Wala po. Mabait siya sa akin pero sabi nya na hindi niya ako pwedeng tulungan dahil ka partido daw niya si Richard Yap. Binigyan lang nya ako ng payo at yun ay lapitan si Richard Yap at kausapin ng maayos.





ANONG MESSAGE MO KAY RICHARD YAP?

Answer: Lalong sumama ang loob ko sayo Sir Richard Yap. Mas lalo akong na challenge na ilaban ang kaso para malaman ng taga cebu na sinungaling ka. Wala akong balak sirain ka, pero iniwasan mo ako for 24 years. Gusto ko lang ng hustisya. Hindi sinungaling ang mommy ko.



"Jenson was born on October 5, 1997, to a certain Cherymae Valdez Jenson in Quezon City, and he was informed of the identity of his biological father at 10 years old when his mother pointed out Richard Yap in a Chow King Commercial," the CDN reported.



He also challenge Yap for a DNA test to clear everything and start his life.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.