Latest News

Madam Inutz sa 2 points nomination kay Chie Filomeno: "Wala naman siyang maiambag kundi pagpapaganda"

 Sa 3rd nomination night sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 noong November 14, naging prangka si Madam Inutz at hayagang sinabi ang kanyang rason kung bakit 2 points ang ibinigay niya kay Chie Filomeno.





"Binigyan ko ng 2 points si Che. ready na siya, ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa, wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda."




Kabilang sa listahan ng mga nominado ay sina Chie Filomeno, Eian Rances, Benedix Ramos, at KD Estrada na pangatlong beses nang nano-minate ng mga housemates.




Samantala, sina Madam Inutz at Samantha Bernardo naman ay nag-tie sa Head of Household o HOH challenege kaya ligtas sila sa nominasyon.



Agad na nag-trending si Madam Inutz dahil sa karamihan naman ng mga netizens ay pumabor sa kaniyang mga sinabi. Natuwa ang ilan sa pagiging pangka nito. Unang nakilala si Madam Inutz sa kanyang nakakatawang pagsasagawa ng kanyang online selling.






No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.