Latest News

Buhay Ni John Wayne Sace Ngayon Pagkatapos Iniwan Ang Showbiz

Natatandaan niyo pa ba ang sikat na teen actor noon na si John Wayne Sace? Ito na ang buhay niya ngayon!



Marami nang mga sikat na artista ang umalis ng showbiz at may kanya-kanya sariling dahilan. Sa kasamaang palad, hindi lahat sa kanila ay naging mapalad pagkatapos lisanin ang showbiz. Isa na dito si John Wayne Sace. Ang dating sikat na aktor na naging bahagi ng all dance group ng ASAP, AnimE.



Maraming TV shows narin ang nasalihan niya noon kasama ang Home Along Da Airport, Star Magic Presents at iba pa.


Naging responsable at mapagmahal na apo naman noon si John Wayne sa kanyang lolo at lola. Nagsimulang magiba ang buhay ni John Wayne nong mamatay ang kanyang lola na subra niyang dinamdam hanggang mapariwara ang buhay.

Sa isang panayam niya kay Korina Sanchez sa programa nitong Rated K, inamin niyang halos nasubukan na niya lahat ang paggamit ng pinagbabawal na gamot at maging nasa listahan ng OPLAN TOKHANG noong 2017.



Sa edad na 28, nagkaroon siya ng sariling pamilya kaya naman nagsumikap siyang tumayo sa sariling mga paa at naghanap buhay para sa pamilya. Naging mailap ang swerte sa kanya dahil kailangan pa niyang magpalipat-lipat ng trabaho.

Naranasan niyang maging isang cake delivery boy, bantay sa isang computer shop at kung anu-anong raket.  



Maski nasa huli na ang pagsisisi, sabi ni John, papasukin niya muli ang showbiz pag mabigyan siya ulit ng pagkakataon. Sana ay mabigyan pa siya muli ng isa pang pagkakataon makabalik sa showbiz.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.