Latest News

Pinay Nurse na nahawaan ng coronavirus, ibinahagi ang aktwal na video habang nasa ospital

Nakuha pa ng isang Pinay nurse na si Arlou Anne Klein Manganti na kuhanan ng video ang sarili habang nasa isang ospital at nagpapagaling sa coronavirus disease (COVID-19). Ibinahagi ni Arlou Anne ang aktwal video sa pamamagitan ng kanyang Facebook account para na rin makita ng kanyang mga pamilya at kaibigan na siyay lumalaban.



Kakabisita lamang ng doktor sa kanya at kinumpirma nitong positibo siya sa COVID-19, ayon sa kanyang pahayag sa video.

Mabilis namang nag-viral ang video ng Pinay nurse na ayon sa kanya mild case pa lamang daw ang dinaranas niya, ngunit kapansin-pansin na nahihirapan siya sa pag hinga at hirap sa pagsasalita.

Nilagyan narin siya ng oxygen ngunit oobserbahan pa daw siya sa loob ng 24 oras kung kakayanin nito na walang ibang gamot na binibigay kundi paracetamol lamang.


Ayon sa kanyang salaysay, hindi niya lubos maisip na mild pa lamang ang kanyang kalagayan dahil sa subrang hirap kung makikita niyo sa video. Sa kabila ng dinaranas niya, nakuha pa niyang palakasin ang loob ng mga kapwa niyang tinamaan ng sakit.

"I will fight, we will fight, Our God is bigger than this virus, Amen... Thank You Lord" ang pahayag niya. 

Narito ang buong video:

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.