Latest News

Isang pamilya ang pinutulan ng tubig at kuryente sa gitna ng ECQ

Marami ang naantig sa sitwasyon ng mag-ama na pinutulan ng kuryente at tubig dahil hindi nakapagbayad sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa kanilang lugar.

    

"Bat naman po ganto yung sinapit nila kala koba yong patakaran ni pangulong du30 walang singil sa nangungupahan," ito ang pahayag ni Pol Helen sa kanyang Facebook post dahil sa sinapit ng kanyang tatay na may dalawang apo.



Ayon sa kanya, ang nakakaawa doon ay ang dalawang bata, lalo na ngayong tag-init. Makikita sa mga larawan ang nakakandadong valve ng tubig. Ayon sa kanya hindi nakabayad ng kuryente at tubig ang kanyang tatay na pagpapadyak ang hanapbuhay dahil apektado ng ECQ.



Sinubukan pa di umano na kausapin ng kanyang tatay pero hindi siya pinakinggan.


Ito ang kanyang buong pahayag.

“Bat naman po ganto yung sinapit nila kala koba yong patakaran ni pangulong du30 walang singil sa nangungupahan. Pero ganto ung nanyari sa mga magulang ko. Ang nakakaawa lang don ung dalawang bata. Lalo na ngayun mainit ang panahon.ngayun pinutulan sila ng kuryenti saka tubig ngayun. Sakadahilang hindi nakabayad sa kuryinti at tubig. Nag papadjak lang po yong tatay ko. Kaya wala pong income. Simula nung nag quarantine . wala napo siyang kita.. Nung nag reding sila ng kuryinti at tubig nakiusp payong tatay ko. Saknila na.pag ok na ung araw. Makakabayad nasila.. Pero hindi nila pinkingan yong pakiusap. Ng tatay ko. Wala naman sapat na pera sila para maibayad. Saknila. Pero tinoloy padin ung pag potol sa koryinti at tubig. Paki share namn po. Para makarating sa kinakataas taasan. Maraming salamat.. Po”



Hindi naman napigilang magkomento nang pagkadismaya ng mga netizens. 


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.