Latest News

Stranded na mga OFW sa Saudi nagbebenta na lang ng dugo para may pangkain

Maraming oversease Filipino workers ang stranded sa ngayon sa Saudi Arabia. Ayon sa report ng 24 Oras news ng GMA, napilitan na rin ang mga OFW na magbinta ng dugo para may pangkain lang.

"Walang-wala na po kaming pera pang-gastos. Kaming lahat wala na po dito. 'Yung iba po naming kasamahan nagawa nang mag-donate ng dugo para lang may pambiling pagkain," sabi ng tagapagsalita ng grupo.


Karamihan sa kanila ang 'No Wor, No Pay' at meron din namang hindi pa nakakasahod ng ilang buwan.

"Ang gusto lang po namin sana ay makauwi na lang po kaming lahat. Sana matulungan po kami ng POLO, ng OWWA, kasi 'yung iba po sa amin talaga naii-stress na rin. Lahat po kami nahihirapan na," ayon sa kanya.

"Sana po maka-abot sa inyo ang video naming ito, mahal naming Pangulo Rodrigo Roa Duterte," dagdag niya.


Ayon sa Department of Foreign Affairs - Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OWWA), karamihan sa mga OFW na stranded ay nasa bansang Saudi Arabia na may 88,000 ang nangangailangan ng repatriation.

Samantala, nangako ang DFA-OUMWA na sisikapin nilang mapauwi ang mga stranded OFW sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.