Latest News

Nobya ni Jang Lucero na si Meyah Amatorio dinukot

Meyah Amatorio, nobya ng babaeng driver na pinaslang sa Laguna na si Jang Lucero ay dinukot ng hindi pa nakikilang mga salarin. 



Ayon sa report ng 24 Oras ng GMA News, makikitang balot ng tensyon ang compound ng tinitirhan ng mga Amatorion ng dumating ang mga armadong lalaki na kumuha ky Meyah Amatorio at ang pamangkin nito.

Ayon sa saksi, may dumating na dalawang lalaki at sinasabing may dala raw ito ng order mula sa korte at hinahanap si Adrian. Agad namang sumilip si Meyah ng marinig ito, ngunit maging ito ay dinala na rin ng mga lalaki. 

Makikita din sa isang larawan na ibinahagi ng isa pang saksi, ang isang lalaking may hawak na mahabang kalibre ng baril na pawang may tinututukan.



Ang ibang myembro ng pamilya ay makikitang nagtamo pa ng mga sugat dahil sa komosyon.

Makikita din sa CCTV footage ang pagtakas at pagsakay ng mga suspek sa kani-kanilang sasakyan.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nasabing insidente. Una nang itinanggi ni Meyah Amatorio na may kinalaman siya sa pagpaslang sa kanyang nobya na si Jang Lucero.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.