Every second Sunday of May people around the world celebrated Mother's Day to pay tribute to all the mothers who gave sacrifices for there family. But today's mothers day special, this hardworking husband received tribute from her wife by posting a simple recognition through social media and to tell the world how she was lucky to be with his man.
Read the story below that will surely inspire you!
From: Omni & Bryce Facebook Page
Blog ito!

Gustong-gusto kong mag vlog about this pero hindi ko magawa. Kaya kwentuhan ko na lang kayo.
It's been almost 8 months since our house helpers left us. 8 months na rin since I gave up my corporate job para mabantayan ang mga bata while also building our vlogging career. Wala pa si Bunso that time. Nung dumating siya last January, sinamahan naman kami ni Mama kaya medyo madali pa ang lahat. Regular ang upload ng vids, sugod sa kahit saang events at higit sa lahat alam ko pa ang meaning ng salitang pahinga.


Hindi ko inisip na aabot sa ganito. Gumigising ako ng 6:00AM or mas maaga pa para lutuin ang kakainin namin maghapon. Minsan nagagawa pa ni Mommy na tulungan ako bago siya pumasok sa work. Madalas 'pag tapos na akong magluto, paliliguan ko naman si Zed. Tapos papatulugin. Pag hindi siya KJ, mailalapag ko siya sandali. Enough para paliguan ko naman ang Ateng Bunso. Nakakatawa pero pagkatapos ko siyang paliguan sakto namang magpapakarga na ulit si Zed. Minsan kailangang tiising umiyak siya sandali. Kahit hindi pa lunch time pero dahil behave si Bunso, ipeprepare ko naman yung pagkain ng mga ate. Habang tinatantsa kung magtutunaw na ulit ako ng gatas para kay Bunso at pinipilit ding ma-accomplish ang lahat ng iba pang pwedeng ma-accomplish. After lunch time papatulugin naman ang mga ate. Si Zed madalas ayaw akong payagang mag power nap. Si Zela naman ginagawang pampatulog ang kili-kili ko.


Pag-uwi ni mommy, saka naman sobrang behave ni Bunso. Yung tipong payag siya kahit sa CR mo pa siya ilapag.





Hayyy, 'di ko alam if nakuwento ko nang maayos. Yang pictures, summary lang yan. Yung nangyayari pag weekends, na-vlog na namin, abangan niyo na lang. Di ko rin alam kung haggang kailan ganito. Pagod sobra. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa situation namin. Yung past 8 months kasi yung nagbigay ng linaw sa klase ng buhay na gusto namin. Para sa #TheClingyFam. At least nagkakasundo kami ni @omniamisolarrosa sa klase ng future na nakikita naming dalawa. Kaya tiis-tiis lang! Of course, dasal-dasal! Ganun talaga. Kapag maganda ang bukas, maraming sacrifices. Aabangan na lang namin lagi yung sobrang gandang bukas habang ineenjoy yung challenges ng today.
Advance HAPPY MOTHERS' DAY nga pala sa lahat ng mga Nanay! Ang hirap po ng ginagawa ninyo. Saludo!

Baby Carrier by ERGObaby Philippines

#MothersDay2018
Typically a wife should be the one who will take good care of children and household work but instead his husband decided to do as a full time mom and let her wife do the mans responsibility.
0 Comments