Latest News

Kuya Wil pinapahanap ang mister na nagtutulak ng ilang kilometro sa wheelchair ng asawang may sakit para mapa-dialysis



Subrang naawa si kuya Wil ng makita ang isang mister na nagtutulak ng ilang kilometro sa wheelchair ng asawang may sakit para magpa-dialysis.


    Photo Grab: Wowowin / YouTube

Kamakailan nagviral ang video ng mag-asawang maaga pang gumising at binabaybay na ang lansangan papuntang dialysis center sa Quezon City.

Ayon kay Kuya Wil, ipinadala lang sa kanila ang video at hindi niyang mapigilan na maawa sa mag-asawa dahil sa walang masakyan bunga ng umiiral na enhanced community quarantine. 


"Ganyan po ang pinagdadaanan ng mga kababayan natin sa ngayon. Kung sino ka man, hahanapin ka namin para kahit papaano may ibibigay kami sa 'yo," saad ni Kuya Wil.

Dahil sa ipinapatupad na ECQ sa Luzon ipinagbabawal bumiyahe ang mga pampublikong sasakyan kaya hirap ang ilan nating mga kababayan magtungo sa ospital para magpagamot.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.