Latest News

Estudyante, pinagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, umantig sa puso ng mga netizens

 Ang mga larawan ng babaeng studyante na naka uniporme ng isang sikat na fast food chain sa bansa ang nag-viral. 



Ang mga larawang ito ni Jan Dominique Agravante ay nagpaantig sa maring netizens dahil ipinagsabay nito ang pagtatrabaho at pag-aaral para sa pangarap na makapagtapos sa college. 





Ayon kay Agravante, saglit lamang siyang tumigil sa trabaho para dumalo sa kanyang online class. Makikita sa larawan na pumwesto ito sa isang parang storage area ng nasabing store at doon ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Kwento nito sa News5, halos apat na taon na siyang nagtatrabaho sa fast food chain na pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para matulungan ang pamilya at para may panggastos sa paaralan.



Graduating student na so Agravante ngayon taon sa kursong Business Administration, major in Marketing sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.


Hinikayat niya ang kapwa mag-aaral na may katulad sa kanyang sitwasyon na kayanin ang hamon ng buhay para sa pangarap.


“Sa lahat ng gagawin natin, mapa-online class man iyan, trabaho, or sa bahay lang, kailangan nating isapuso lahat ng gagawin. Be productive everyday kahit na may pandemic po tayong nararanasan,” apahayag ni Agravante sa News5.



Ibinahagi naman ng kanyang guro na si Archy Harry Figueroa ang nakaka inspire na mga larawan at nangakong lalong pagbubutihin pa nila nila pagtuturo.

Student ko ito... Jan Dominique A. Agravante BSBA Marketing Management major - 4th year Bakit sya...walang panahon para...

Posted by Archy Harry Figueroa on Wednesday, September 2, 2020

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.