Latest News

Tim Sawyer, ipina Tulfo ng babae na taga Cagayan de Oro na ina raw ng kanyang 1 anak

 Babae na taga Cagayan de Oro na ina raw ng anak ni Tim Sawyer lumutang at nagreklamo sa programang ni Raffy Tulfo.



Emosyonal na dumulog sa programa si ginang Winhelyn Romero at inilahad nito na siya raw ang ina ng anak ng sikat vlogger na si Tim Sawyer.


Ayon sa salaysay ni Winhelyn, nagkaroon daw sila ng realsyon ni Tim noong 2007 at nagsama sa isang bubong sa Cagayan de Oro ng isang taon kung saan nabuntis daw siya umano nito. Dahil sa mga pangarap ni Tim noon, sinabi umano nito na hindi pa siya handa at simula na daw itong nanlamig sa kanya.



Dahil dito ay napilitan daw umano si Winhelyn na ipangalan sa dati niyang kinakasama na foreigner ang kanilang anak ni Tim. Pahayag pa niya na wala daw siyang balak maghabol sa kanya matapos ang 13 taon, ngunit nasaktan ito ng makita ang post sa social media tungkol sa kanya at parang sinisiraan daw siya umano nito.



Mariin namang itinanggi ni Tim na siya ang anak ng bata, lalo pa at sa foreigner nakapangalan ang bata basi sa birth certificate na sinasabi ni Tim.


Ayon kay Tim, si Winhelyn din umano ang nagpasimuno ng lahat ng mag-comment ito tungkol sa kanya sa gitna ng kinakaharap nitong problema sa partner na si China Roces.



Ayon naman sa resident lawyer ni Raffy Tulfo na si Atty. Garreth bago makapag demand for support si Winhelyn ay kailangan niyang mag secure ng paternity test o DNA test.


Subalit tumanggi si Tim na sumailalim sa paternity test at nanindigan na hindi siya ang ama ng bata dahil nakapangalan ito sa iba.

No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Privacy Policy ©

Theme images by Bim. Powered by Blogger.