Latest News

Vic Sotto napatawag ky Mayor Vico nang malaman walang manliligaw si Mayor Donya Tesoro ng Tarlac

Naging panauhin ang mga piling Mayor sa Bansa ng 'Bawal Judgemental' segment noong Sabado, at nagpakita ang mga ito ng kanilang mga talento sa nootime variety show ng "Eat Bulaga". At isa dito ay ang batang babaeng mayor ng Tarlac na si Donya Tesoro. 

Sa tanong at sagot na bahagi ng programa, hindi napigilang kamustahin ng Dabarkads na si Jose at Paolo ang tungkol sa lovelife ni mayor Tesoro.



Ayon sa alkalde, wala pa raw itong boyfriend na nagpadagdag ng excitement sa mga manonood.

Tanong ni Paolo kay mayor Tesoro kung 'Anong type niya sa magiging boyfriend?'

"Ako kasi hindi naman ako particular sa looks eh. Basta hindi babaero ... Siyempre ’yung maiintindihan ’yung trabaho ko at maka Diyos” sagot ni mayor Donya.

"Kailangan mayor din 'yung mapangasawa mo!" pabirong sabi ni Jose, nang tanungin kung may panahon sa lovelife ang alkalde.

“Sa ngayon hindi siya priority. Kaya nga palagi kong nilalagay na #notimeforlove,” sagot ni Mayor Donya.

“Paano kung nandiyan na, may balak lang, ano po ba ’yung paborito niyong pagkain?” tanong ni Jose kay Mayor Donya.

“Sa meryenda po, ano mga gusto niyong pagkain? ... Kalamay gusto niyo?” tanong pa ni Jose, na tila gustong marinig kay Mayor Donya ang salitang “biko” na katunog ni Vico.

Hanggang si Bossing na ang nagtanong kay Mayora. “May nanliligaw ba sa inyo ngayon?”

“Hi Bossing! Parang wala. Parang ayaw naman nila sa akin,” sagot ni Mayora Donya.

Dahil dito, pabirong napaabot na si Bossing sa kaniyang phone at tinawagan ang anak niyang mayor ng Pasig City.

“Hello Vico! Hello?” sabi ni Bossing Vic. 


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.