Latest News

Misis ng seaman nagtago sa kisame ng motel matapos mahuling kasama ang kabit

 Asawa ng seaman ang napilitang magtago sa kisame ng isang motel nitong Linggo, Nobyembre 29, matapos itong maaktuhan ng kanyang asawa na pumasok sa isang motel sa lungsod ng Mandaue kasama ang kaniyang kabit.




Ayon sa Mandaue City Police, sinundan ng asawang seaman ang sinasakyang taxi ng kaniyang asawa at ng kalaguyo nito hanggang sa makapasok ito sa motel.





Ikinuwento naman ng asawang seaman na magkasama pa raw sila ng kaniyang misis sa taxi nang papasok umano sa trabaho ang misis. Ngunit, unang bumaba ang asawang babae. Ayon sa asawang seaman, nang umalis na ang kaniyang taxi na sinasakyan ay agad namang sumakay sa ibang taxi upang sundan ito.



Imbes na sa trabaho pumunta, nakitang huminto ang taxi ng babae sa pier at sinundo ang isang lalaki pupunta sa motel.



Isinalaysay naman ni Edward Ligas, isang international boxing judge at kaibigan ng asawang lalaki, na siya ang tumawag sa pulis habang hinihintay niyang lumabas sa motel ang dalawa.





Pagdating ng mga pulis, ang kabit na lamang ang kanilang nasaksihan sa labas ng kwarto.



Subalit, biglang nakarinig ang mga pulis ng ingay sa kisame at may nahulog na parte nito. Nahulog din sa kisame ang sandals ng babae.







Nagmatigas ang babae na bumaba kahit na sinasabihan na siyang bumaba ng mga pulisya – na naging dahilan kaya inakyat na siya ng mga pulis gamit ang hagdanan.



Ayon sa asawang lalaki, nahuli na ng kanilang anak ang kanyang misis na may kalaguyo noong 2017 pa lamang.





Pinaghinalaan na rin niyang hindi tumigil sa panloloko ang misis dahil sa malamig nitong asal kapag siya ay uuwi mula sa barko.





Nadiskubre naman ng mga pulis na isa ring seaman ang kabit ng asawang babae.



Dahil dito, napagdesisyunan na ng lalaki na magsama ng kaso sa misis at sa kabit nito.


No comments:

Post a Comment

Where In Bacolod Designed by Templateism.com Copyright © 2014

Powered by Blogger.